Gilas Pilipinas, tinalo ng Lithuania sa Jones Cup

Nabigo ang Pilipinas sa laban nito sa Lithuania sa nagpapatuloy na William Jones Cup basketball tournament na ginaganap sa Taiwan. Sa iskor na 91-80, tinalo ng Lithuania ang Gilas Pilipinas, dahilan para makuha nito ang ikatlong talo. Sa ngayon 4-3 na ang record ng Pilipinas. Ang Lithuania ang nanguna sa second half ng laban at umabot pa sa 20 puntos ang lamang nito sa third quarter. Sa Sabado, sunod na makakalaban ng Pilipinas ang India at sa Linggo naman ay Iran.

Read more...