Opisyal ng Metrobank na tumangay sa P900M, hawak na ng NBI

By Jan Escosio July 21, 2017 - 04:34 PM

PDI Photo | Richard Reyes

Iniharap sa media ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang opisyal ng Metrobank na sinasabing nakatangay ng P900 million mula sa bangko.

Naaresto sa isang entrapment operation si Ma. Victoria Lopez na ityinempo ng mga otoridad na mayroon sana itong babayaran na P2 million interest.

Nabatid na si Lopez ang namumuno sa corporate service management ng Metrobank at hawak nito ang malalaking kliyente ng bangko.

Nadiskubre mismo ng Metrobank ang anomalya nang makita ang isang sulat kung saan mababasa ang utos na isyuhan ng manager’s check ang isang kliyente.

Nabatid na maari lang mag isyu ang bangko ng isang manager’s check sa kanilang mga corporate clients.

Hinihinala na pineke ni Lopez ang mga dokumento para lokohin ang pinaglilikurang bangko.

Nahaharap ang suspek sa mga kasong qualified theft at falsification at paglabag sa general banking law.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Metrobank, NBI, qualified theft, Radyo Inquirer, Metrobank, NBI, qualified theft, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.