Ayon kay Col. Elizier Losanes, commander ng 303rd Infantry Brigade ng Philippine Army, sugatan din sa nasabing insidente ang isang konsehal at dalawa pang pulis.
Sa inisyal na ulat, patungo ang mga pulis sa Sitio Magtiid, Baranggay Magsaysay para rumesponde sa ulat na isang Konsehal Delarapa ang tinambangan ng mga rebelde.
Habang paparating sa lugar ay inatake na ng NPA ang mga pulis.
Kabilang sa nasawi si Guihulngan City police chief Supt. Arnel Arpon at lima niyang tauhan na sina SPO2 Mecasio Tabilon, SPO1 Jesael Ancheta, PO2 Alvin Paul Bulandres, PO2 Alfredo Dunque at SPO2 Chavic Agosto.
Sugatan naman sina SPO4 Jerome Delara, PO2 Jorie Maribao at PO3 Jordan Balderas.
Una na umanong sinabi ng konsehal na siya ay nasa hit list ng NPA.
Noong isang araw, tinambangan din ng mga rebelde ang mga tauhan ng Presidential Security Group (PSG).