Mga bus terminal sa Pasay, ininspeksyon ng MMDA
Nagbanta si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim na nagsisimula pa lang sila at marami pang bus terminal na ipapasara katulad nalang sa bahagi ng Pasay.
Biyernes ng umaga, nagsagawa ng inspeksyon ang MMDA sa mga bus terminal sa lungsod.
Tinignan ng MMDA kung nakakasunod nga ba ang mga ito sa nose-in nose-out policy na kanilang inilatag at inumpisahang ipatupad noon pang nakaraang taon.
Kasama sa mga na inspeksyon ang DLTB Bus at ang Elavil Bus Tours and Travels.
Kamakalawa, 3 bus terminal ang ipinasara ng MMDA katuwang ang LTFRB.
Ito ay matapos mapag-alaman na lumabag sa nose-in nose-out policy ang bus terminal ang DLTB, Dimple Star at Roro Bus Lines na matatagpuan sa northbound ng EDSA Quezon City.
Sa ilalim ng nose-in nose-out policy, sa loob na ng terminal dapat magma-maniobra ang mga provincial at city buses para hindi makakaabala sa daloy ng traffic.
Samantala, nagbabala naman ang MMDA sa mga pasaway na bus company na tumalima na sa kanilang mga polisiya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.