Mapandi bridge, nabawi na ng militar, 6 na terorista ang napatay

By Chona Yu July 21, 2017 - 01:41 PM

Mapandi Bridge | Joshua Morales

Patay ang anim na terorista sa isinagawang daring assault ng tropa ng pamahalaan sa Marawi City kahapon na nation sa kasagsagan ng pagdalaw doon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Lt. Col. Jo-ar Herrera, naging matagumapy ang kanilang operasyon sa Mapandi bridge na matagal nang pinagkukutaan ng Maute terror group.

Sa nasabing operasyon anim na miyembro ng ISIS inspired terror group ang napatay at isa sa mga ito ay na-recover ang bangkay.

Tatlong katao naman ang nailigtas.

Ayon kay Herrera, ang nasabing mga indibidwal ay nakitang dumadaan sa Mapandi bridge habang kasagsagan ng matinding bakbakan.

Agad silang dinala sa ligtas na lugar ng mga sundalo.

Hindi pa naman tinukoy ni Herrera kung mayroong nasugatan o nasawi sa panig ng pwersa ng gobyerno.

 

 

 

 

 

 

TAGS: AFP, ISIS, mapandi bridge, Maute Group, Radyo Inquirer, AFP, ISIS, mapandi bridge, Maute Group, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.