Pinangakuan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalo at pulis ng malaking halaga pantulong sa edukasyon ng kanilang mga anak.
Sa kaniyang pagbisita sa Camp Ranao sa Marawi City, sinabi ng pangulo na sa pagtatapos ng kaniyang termino, target niyang makalikom ng P50 billion na savings na ilalaan sa pag-aaral ng anak ng miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).
Ayon sa pangulo, ang nasabing halaga ay para sa pag-aaral ng anak ng mga sundalo at pulis na nasawi o kahit pa buhay pero nagretiro na dahil sa edad.
Sa huli, sinabihan ni Duterte ang mga sundalo na patuloy lang na ipaglaban ang bansa at siya naman ang bahala sa kapakanan ng mga ito partikular sa kanilang mga kagamitan.
Ipinangako din ng pangulo na sa susunod na taon ay doble na ang sweldo ng mga sundalo at pulis at magreretiro sila na may magandang buhay.