Mga negosyante, interesado pa ring mamuhunan sa Mindanao sa kabila ng banta ng terorismo

By Rohanisa Abbas July 21, 2017 - 11:45 AM

Mindanao Development Authority chair Datu Abul Khayr Alonto

Interesado pa rin ang investors sa Mindanao sa kabila ng banta ng ISIS-inspired groups sa rehiyon.

Ayon kay Mindanao Development Authority chair Datu Abul Khayr Alonto, bahagya lamang ang naging epekto ng gulo sa Marawi City sa turismo ng Mindanao.

Ipinauunawa din aniya nila sa mga negosyante na ang nararanasan sa ilang bahagi ng Mindanao ay pansamantala lamang.

Iginiit ni Alonto na hindi nito madidiskaril ang mga proyekto para sa pag-asenso ng rehiyon.

Ilang proyektong imprastruktura ang una nang inilatag ng administrasyong Duterte sa Mindanao, gaya na lamang ng 2,000 kilometrong Mindanao Railway.

 

 

 

 

 

TAGS: BUsiness, Datu Abul Khayr Alonto, Mindanao, Mindanao Development Authority, BUsiness, Datu Abul Khayr Alonto, Mindanao, Mindanao Development Authority

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.