Pagkagaling ng pangulo sa Marawi City kung saan binisita ang mga sundalo sa Camp Ranao, dumeretso na siya sa Davao City at nagsimulang mag-rehearse.
Sinabi ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar, gusto ng pangulo na maging maiksi lang ang talumpati.
Partikular aniyang utos ni Pangulong Duterte na dapat ay hindi lalagpas ng 40 o 50 minuto ang kanyang written speech.
Samantala, sinabi ni Andanar na tinatayang nasa 15 hanggang 18 pahina ang final draft ng talumpati ni Duterte.
Una rito sinabi ni Andanar na nasa 70 percent nang handa ang laman ng SONA ng pangulo.
Mas mahirap aniyang salain ang ikalawang SONA dahil sa dami ng mga nagawa na ng administrasyon.