Pangulong Duterte, sinimulan na ang rehearsal para sa SONA

By Dona Dominguez-Cargullo July 21, 2017 - 09:35 AM

Nag-ensayo na kagabi si Pangulong Rodrigo Duterte sa delivery ng kanyang State of the Nation Address (SONA) na magaganap sa Lunes, July 24.

Pagkagaling ng pangulo sa Marawi City kung saan binisita ang mga sundalo sa Camp Ranao, dumeretso na siya sa Davao City at nagsimulang mag-rehearse.

Sinabi ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar, gusto ng pangulo na maging maiksi lang ang talumpati.

Partikular aniyang utos ni Pangulong Duterte na dapat ay hindi lalagpas ng 40 o 50 minuto ang kanyang written speech.

Samantala, sinabi ni Andanar na tinatayang nasa 15 hanggang 18 pahina ang final draft ng talumpati ni Duterte.

Una rito sinabi ni Andanar na nasa 70 percent nang handa ang laman ng SONA ng pangulo.

Mas mahirap aniyang salain ang ikalawang SONA dahil sa dami ng mga nagawa na ng administrasyon.

 

 

 

 

 

 

TAGS: 'speech, Rodrigo Duterte, SONA, 'speech, Rodrigo Duterte, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.