Karagatan sa pagitan ng Turkey at Greece niyanig ng magnitude 6.7 na lindol. 2 ang patay
Niyanig ng malakas na magnitude 6.7 na lindol ang karagatan na nasa pagitan ng Turkey at Greece.
Ayon sa US Geological Survey, ang pagyanig ay naitala sa south west coast malapit sa resort town na Bodrum Turkey at Greek Island na Kos.
Popular sa mga turista ang nasabing lugar.
Kinumpirma naman ng European Mediterranean Seismological o EMSC na nakapagtala ng maliit na tsunami sa apektadong isla. Pinayuhan din ang mga nasa beach front na umalis muna sa lugar at magtungo sa higher grounds.
Inaalam pa kung gaano kalaki ang pinsala ng naganap na lindol at sa ulat ng Agence France Presse, dalawa ang naitalang nasawi sa Greece.
Matapos ang malakas na lindol, sunod-sunod na aftershocks pa ang naranasan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.