Abogado ni Isaias Samson Jr., tiniyak na tuloy ang kaso, at nais malaman ang anumang kasunduan kung bakit itinigil ang rally ng INC

Isaias-Samson
Inquirer file photo

Masaya ang kampo ng pinatalsik na Iglesia ni Cristo Minister Isaias Samson Jr. sa pagtatapos ng kilos-protesta ng mga INC members sa kanto ng EDSA at Shaw Boulevard sa Mandaluyong City.

Sa kabila nito, sinabi sa Radyo Inquirer ni Atty. Trixie Angeles, abogado ni Samson na interesado silang malaman kung ano ang napagkasunduan sa pag-uusap sa pagitan ng pamahalaan at ng pamunuan ng INC.

Ayon kay Angeles, “gusto naming malaman kung ano ang kasunduan at natigil ang kilos-protesta pero itutuloy pa rin naming ang kaso laban sa mga INC officials anuman ang mangyari”.

Ipinaliwanag din ng naturang abogado na immaterial sa kaso ang nangyaring rally at naniniwala ang kanilang kampo na wala itong epekto sa mga naunang posisyon ng Justice Department sa kanilang inihaing reklamo laban sa mga opisyal nang nasabing makapangyarihang religious group.

Pinuna rin ni Angeles ang kabiguan ng INC na makahikayat ng maraming kasapi para sumama sa ginawang kilos-protesta.

“Kapuna-puna na kumpara sa kanilang mga nakaraang mass mobilization ay umabot lamang sa halos ay limampung libong INC members sa ngayon ang sumama sa rally, ibig sabihin nito ay may dibisyon na nagaganap sa loob ng INC”, dagdag pa ni Angeles.

Read more...