Pagkansela sa peace talks sa NDFP, suportado ng ilang kongresista

Suportado ng mga kongresista mula sa mayorya ang pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanselahin ang usapang pangkapayapaan at ang backchannel talks sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Ayon kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe, mahirap makipagkasundo ang gobyerno sa mga kalaban na patraydor ang diskarte.

Sinabi nito na kung talagang gusto ng mga komunista na makipag-usap dapat ay ipakita ito sa gawa ng kanilang buong samahan.

Naniniwala naman si Eastern Samar Rep. Ben Evardone na major setback sa peace initiative ang hakbang ng pangulo pero dapat anyang unawain si Pangulong Duterte.

Kumpyansa rin si Evardone sa sinseridad ng pangulo sa pagsusulong sa usapang pangkapayapaan pero hindi anya ito tinatapatan ng mga komunista.

Ang mga pag-atake naman ng New People’s Army ayon kay PBA Partylist Rep. Jericho Nograles ay isang patunay na kailangan talaga na palawigin pa ang batas militar.

Read more...