Pilipinas, isa sa top 5 na pinangyayarihan ng mga terorismo – US State Department

By Kabie Aenlle July 21, 2017 - 04:45 AM

Kabilang ang Pilipinas sa limang mga bansa kung saan madalas na may naitatalang pag-atake ng mga terorista ayon sa assessment ng US State Department.

Kahanay ng Pilipinas sa top 5 ang Iraq, Afghanistan, India at Pakistan.

Sa taunang country-by-country assessment ng terorismo sa buong mundo, tinukoy ng State Department na ang mga Islamic jihadist groups na Islamic State, Al-Qaeda at Taliban ang mga nangunguna sa paglulunsad ng mga pag-atake.

Gayunman, base sa report, bumaba naman ng 9 percent ang kabuuang bilang na naitala mula 2015 hanggang nakaraang taon.

Bumaba rin sa 13 percent ang mga naitalang nasawi sa loob ng nasabing panahon.

Halos kalahati sa mga naitalang terorismo ay naganap sa nabanggit na top 5 sites of terrorism.

Malaki naman ang itinaas sa bilang ng mga namamatay sa Iraq, Somalia at Turkey.

Nakasaad rin sa report na ang pagkakatulad ng marami sa mga pag-atake noong nakaraang taon ay ang marahas na violent extremist ideology na isinusulong ng mga fundamentalist na Sunni Islam.

Bukod dito, muli ring tinawag na “leading state sponsor of terrorism” ang bansang Iran, dahil sa pagsuporta nito sa Lebanese Shiite movement at terror organization na Hezbollah.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.