Multa ng mga mahuhuling colorum na TNVs, gustong pabayaran sa Grab at Uber

By Alvin Barcelona July 21, 2017 - 04:44 AM

Gustong ipasagot ng grupo ng mga transport network vehicle service (TNVS) sa mga transport network company (TNC) ang multa ng mga kasamahan nilang colorum na mahuhuli ng Land Transportation Franchising and Regulatory
Board (LTFRB).

Ayon kay Ivan Kloud na Presidente ng Philippine Transport Network Organization (PTNO), ito ang napagkasunduan ng kanilang mga miyembro matapos sabihin sa kanila ng mga transport network company (TNC) na pwede silang bumiyahe kahit walang provisional authority (PA).

Bukod sa multa, gusto rin nilang magkaroon ng written agreement sa Uber at Grab para sagutin ang mawawala sa kanila sakaling mabatak at masuspinde ng LTFRB dahil sa pagbiyahe ng walang dokumento.

Ayon sa grupo, kung wala silang mapapagkasunduan sa mga TNC, idudulog nila ito sa LTFRB.

Sa susunod na linggo, nakatakdang makipag pulong ang kanilang mga miyembro mula sa Metro Manila at Metro Cebu sa mga kinatawan ng Uber at Grab.

Bukod dito, umaapela din ang grupo na suspindihin muna ng LTFRB ang paghuli nito sa mga colorum na TNVS umpisa sa Hulyo 26 habang kinukumpleto nila ang kanilang mga dokumento.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.