Pangulong Duterte, bumisita na sa Marawi City

PHOTO FROM AFP

Bilang pagtupad sa kanyang pangako, binisita na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Marawi City kung saan nagpapatuloy ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Maute terror group.

Ayon kay Lt. Col. Jo ar Herrera, bandang alas tres ng hapon dumating ang pangulo sa lungsod, at agad nakaharap ang ilang military officials.

Para aniyang isang tatay na binisita ang kanyang mga anak ang naging pagharap ni Duterte sa mga sundalo.

Nakausap pa ng pangulo at binigyan ng relief goods ang kanyang tropa bago bumalik sa Davao City.

Una nang inihayag ng pangulo na nais niyang bumisita sa Marawi para itaas ang morale ng kanyang tropa na nakikipagbakbakan sa Maute group.

Mas gusto din ni Duterte na magpunta sa lungsod kahit nagpapatuloy pa ang kaguluhan.

Dalawang beses nang sinubukan ng pangulo na bumisita sa Marawi, pero nakakansela dahil sa masamang panahon.

Samantala, nasa ika-siyam na linggo na ang nagaganap na bakbakan sa Marawi, at tila wala pa rin senyales ng pagsuko ang Maute at Abu Sayyaf group sa paghahasik ng gulo sa lungsod.

Read more...