Pamahalaan at INC nag-usap, nagpaliwanagan, Rally sa EDSA tinapos na

By Den Macaranas August 31, 2015 - 10:16 AM

IGLESIA NI KRISTO /PDI PHOTO/EDWIN BACASMAS
PDI PHOTO/EDWIN BACASMAS

Tinapos na ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo ang kanilang limang araw na kilos proteta na nagsimula sa harapan ng Department of Justice building sa Maynila at umabot hanggang sa kanto ng EDSA at Shaw Boulevard.

Layunin ng INC rally na ipanawagan ang pagbaba sa puwesto ni Justice Sec. Leila De Lima kaugnay sa umano’y pagkiling sa isinampang reklamo ng dating Ministro na si Isaias Samson Jr.

Narito ang opisyal na pahayag ng Iglesia ni Cristo sa pamamagitan ni General Evangelist Bienvenido Santiago:

“Sa aming mga kapatid sa Iglesia ni Cristo, nais po naming ipabatid sa inyong lahat na nagka-usap nap o ang panig ng Iglesia at ang panig ng pamahalaan. At sa pag-uusap na ito ay nagkapaliwanagan nap o ang dalawang panig. Kaya payapa na po ang lahat. Ito pong ginagawa nating mapayapang pagtitipon na sinimulan natin noong Huwebes ng hapon ay natatapos na po ng mapayapa rin ngayong Lunes ng umaga. Salamat ng marami sa ating Panginoong Diyos. Sa kanya ang lahat ng kapurihan. Mabuhay ang Iglesia ni Cristo”.

Kasabay ng pahayag na ito ay tinatapos na rin ng INC ang iba pang mga kilos-protesta na nauna na ring ikinasa sa ibat-ibang panig ng ating bansa.

TAGS: Bienvenido Santiago, DOJ, edsa, inc rally, Bienvenido Santiago, DOJ, edsa, inc rally

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.