46 na dayuhan na hinihinalang miyembro ng kidnapping syndicate, iniharap kay ng PNP Chief Dela Rosa
Ipinrisinta kay Philippine National Police (PNP) Chief Ronald Dela Rosa ang 46 na mga hinihinalang sangkot sa sindikato ng kidnapping.
Ang nasabing mga suspek kabilang na ang mga dayuhang Chinese at Malaysian ay naaresto sa isinagawang operasyon ng PNP-Anti-Kidnapping Group.
Sa isinagawang inquest proceedings noong Miyerkules, July 19, labingapat sa mahigit 40 dayuhan ang nagpasailalim sa preliminary investigation.
Kabilang sila sa umano ay sindikato na nambibiktima sa mga high roller casino players.
Nadakip ang mga dayuhang suspek ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Immigration (BI) at Philippine National Police (PNP) noong Martes na nagresulta naman sa pagkakaligtas sa biktimang Singaporean na si Wu Yan.
Ayon sa PNP, inaalam nila ngayon kung mayroon pang iba pang grupo ng mga dayuhan na mayroong parehong modus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.