Aabot sa P4.2 milyong halaga ng ipinuslit na mga sibuyas ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC).
Iprinisinta sa media ng BOC ang ang tatlong 40-footer container truck na naglalaman ng napakaraming sibuyas na unang naharang sa Manila International Container Port (MICP) noong Miyerkules, July 12, 2017
Ayon kay District Collector Atty. Jett Vincent Maronilla, isa itong uri ng modus kung saan idineklarang bawang ang laman ng truck sa import permit na ngunit mayroon din itong laman na mga sibuyas.
Ayon naman kay Bureau of Customs Intelligence and Investigation Division Dir. Neil Anthony Estrella, nasakote ang naturang modus sa pamamagitan ng patuloy na intelligence operations ng ahensiya.
Paliwanag pa nito, nakatakdang sirain ang mga sibuyas para maging patas sa mga Pilipinong magsasaka.
Tinatayang nagkakahalaga ang mga smuggled onions ng P4.2 milyon na nagmula sa China.
WATCH: P4.2M halaga ng smuggled na sibuyas, nasabat ng Customs | @AngellicJordan pic.twitter.com/JmdgDR0Jcy
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 20, 2017
WATCH: Ipinrisinta ng BOC sa media ang mga smuggled na sibuyas na galing sa China | @AngellicJordan pic.twitter.com/ax197yA9jS
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 20, 2017