WATCH: P4.2M halaga ng smuggled na sibuyas, nasabat ng Customs

By Angellic Jordan July 20, 2017 - 12:27 PM

Kuha ni Angellic Jordan

Aabot sa P4.2 milyong halaga ng ipinuslit na mga sibuyas ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC).

Iprinisinta sa media ng BOC ang ang tatlong 40-footer container truck na naglalaman ng napakaraming sibuyas na unang naharang sa Manila International Container Port (MICP) noong Miyerkules, July 12, 2017

Ayon kay District Collector Atty. Jett Vincent Maronilla, isa itong uri ng modus kung saan idineklarang bawang ang laman ng truck sa import permit na ngunit mayroon din itong laman na mga sibuyas.

Ayon naman kay Bureau of Customs Intelligence and Investigation Division Dir. Neil Anthony Estrella, nasakote ang naturang modus sa pamamagitan ng patuloy na intelligence operations ng ahensiya.

Paliwanag pa nito, nakatakdang sirain ang mga sibuyas para maging patas sa mga Pilipinong magsasaka.

Tinatayang nagkakahalaga ang mga smuggled onions ng P4.2 milyon na nagmula sa China.

 

TAGS: BOC, Radyo Inquirer, smuggled onions, BOC, Radyo Inquirer, smuggled onions

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.