US Senator John McCain, may brain cancer

By Dona Dominguez-Cargullo July 20, 2017 - 08:43 AM

Kinumpirma ng kampo ni US Senator John McCain na na-diagnose sa brain cancer ang senador.

Sa statement ng inilabas ng ospital, nakasaad na mismong ang pamilya ng senador ang humiling sa pagamutan na isapubliko ang estado ng kalusugan ni McCain.

Noong nakaraang July 14, sumailalim si McCain sa isang procedure para alisin ang blood clot sa kaniyang kaliwang Mata sa Mayo Clinic Hospital sa Phoenix.

Lumabas sa laboratory test na primary brain tumor na tinatawag na “glioblastoma” ang dahilan ng blood clot.

Kabilang umano sa maaring pagdaanang treatment ng senador ay ang kumbinasyon ng chemotherapy at radiation.

Ayon sa mga duktor ni McCain, maayos naman ang recovery nito matapos ang operasyon sa blood clot.

Samantala, naglabas naman ng hiwalay na statement ang tanggapan ng senador.

Masaya umano ang senador sa mga suporta at pag-aalala na kaniyang natatanggap.

Patuloy din ang recovery ng senador kasama ang kaniyang pamilya sa Arizona.

Ang kaniyang pagbabalik trabaho sa US Senate ay depende umano sa kalalabasan ng mga susunod pa niyang konsultasyon sa ospital.

 

 

 

 

 

TAGS: Brain cancer, brain tumor, John McCain, us senator, Brain cancer, brain tumor, John McCain, us senator

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.