WATCH: Batang Pinay na sepsis survivor, nabigyan ng golden buzzer sa America’s Got Talent
Pinahanga ng isang 9 na taong gulang na batang Pinay ang audience at mga hurado sa “America’s Got Talent”.
Inawit ni Angelica Hale mula Atlanta, Georgia ang “Girl on Fire” ni Alicia Keys.
Dahil sa kaniyang galing, nabigyan siya ng standing ovation ng audience at ibinigay naman ng judge na si Chris Hardwick ang golden buzzer.
Dahil dito, diretso na sa live shows ng AGT si Hale.
Sa audition, bumilib na rin ang mga hurado kay Hale nang awitin niya ang “Rise Up”.
Sa kaniyang twitter account, nakasaad sa profile ni Hale na siya ay kidney transplant at sepsis survivor.
Nais umano niyang magbigay ng inspirasyon sa lahat sa pamamagitan ng kaniyang pag-awit.
Sa iba pang mga balita:
#RadyoInquirerBalita sa Umaga na w/ Donabelle Dominguez-Cargullo
Listen: 990khzAM
Watch: Inquirer990TV on blackbox, other digiboxes & mobile TV
Visit: radyo.inquirer.net
Download: Radyo Inquirer Mobile App here https://inq.news/radyo
Follow: @dzIQ990
Like: https://www.facebook.com/radyoinquirer990
https://www.facebook.com/video.uploader.2016
Youtube Channel: Inquirer 990 Television
Textline: DZIQ(SPACE) MESSAGE SEND to 4467 or SEND to 09208379790
Hotline: 519-1875 to 76
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.