WATCH: P15M halaga ng shabu mula Mexico, itinago sa loob ng construction sealant, nasabat sa NAIA
Nasabat ng pinagsanib na pwersa ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang humigit-kumulang 2 kilo ng hinihinalang shabu mula sa Mexico.
Ayon kay Deputy Task Group Commander Marjuvel Bautista ng NAIA-Inter-Agency Drug Interdiction Task Group, nakatanggap sila ng ‘tip’ mula sa kanilang foreign counterparts na may papasok na package sa bansa na naglalaman ng droga.
Dumating ang sinasabing padala sa pamamagitan ng isang international courier noong July 9 at kanilang isinailalim sa inspeksyon ang bagahe, idinaan sa X-ray at ilang beses na inupuan ng K-9.
Nasa loob ng 24 na piraso ng ‘tube’ ng construction sealant ang humigit-kumulang dalawang kilo ng high-grade na shabu na nagkakahalaga ng 15 million pesos.
Pasado alas-tres ng hapon kahapon kinuha ng suspek ang bagahe na nakapangalan sa isang ‘James Corpus’ na taga-Quezon City.
Dahil dito, agad nagkasa ng operasyon ang mga otoridad at dinampot ang suspek na ang totoong pangalan pala ay Alnar Pundato Sultan.
Umamin si Sultan na napag-utusan lamang siyang kunin ang padala at saka itinuro ang mga nag-utos sa kanya, na naghihintay lamang pala sa labas ng airport.
Nahuli ang tatlo pang suspek na sina Jamal Tantao, Casan Rangaig, at babaeng si Inairah Pundato na sakay ng isang kotse.
Ayon kay Bautista, posibleng mga miyembro ng sindikato ang mga naarestong suspect.
Dagdag pa ni Bautista, ang pagkaka-recover sa naturang shabu ay patunay lamang na nababawasan na ang supply ng shabu sa Pilipinas dahil maging ang droga ay ini-import na rin mula sa ibang bansa.
Listen: 990khzAM
Watch: Inquirer990TV on blackbox, other digiboxes & mobile TV
Visit: radyo.inquirer.net
Download: Radyo Inquirer Mobile App here https://inq.news/radyo
Follow: @dzIQ990
Like: https://www.facebook.com/radyoinquirer990
https://www.facebook.com/video.uploader.2016
Youtube Channel: Inquirer 990 Television
Textline: DZIQ(SPACE) MESSAGE SEND to 4467 or SEND to 09208379790
Hotline: 519-1875 to 76
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.