WATCH: Mahigit 30 bahay tinupok ng apoy sa Pasay at Las Piñas City

By Cyrille Cupino July 20, 2017 - 06:41 AM

Kuha ni Cyrille Cupino

Magkahiwalay na sunog ang sumiklab sa Pasay at Las Piñas City Huwebes ng madaling araw.

Unang nasunog ang isang residential area sa kanto ng Muñoz/Zobel at Tramo St., sa Brgy. 42, lungsod ng Pasay.

Umabot sa ikalawang alarma ang apoy kung saan dalawang paupahang bahay ang nadamay.

Ayon sa isang may-ari ng paupahan na si Christine David, pasado alas-dose ng madaling araw nang magising sila at makita ang apoy sa katabing bahay.

Pag-aari ng isang Danilo Sevilla ang nasabing tatlong-palapag na bahay na hinati sa dalawampung kwarto.

Ayon kay David, noon pa nila inireklamo sa barangay ang katabing paupahan dahil sa isa umano itong fire hazard sapagkat dikit-dikit ang mga kwarto.

Depensa naman ni Sevilla, hindi sa kanyang bahay nagsimula ang apoy dahil mas natupok ang katabing paupahan.

Pasado ala-1:30 nang ideklarang fire under control ang sunog.

Samantala, sa Brgy. Daniel Fajardo, Las Piñas City naman, aabot sa 30 kabahayan ang nasunog at aabot sa 60 lng pamilya at nawalan ng tirahan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, posibleng sa naiwang umaandar na electric fan nagmula ang apoy.

Inabot ng mahigit apat na oras bago tuluyang naapula ang sunog na umabot sa ika-limang alarma dahil masikip ang mga eskinita at gawa sa light materials ang mga kabahayan.

Aabot naman sa 250 thousand pesos ang halagang tinupok ng apoy.

Wala ring naitalang nasugatan sa magkahiwalay na insidente.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection sa dalawang sunog.

 

 

 

Sa iba pang mga balita:

Listen: 990khzAM
Watch: Inquirer990TV on blackbox, other digiboxes & mobile TV
Visit: radyo.inquirer.net
Download: Radyo Inquirer Mobile App here https://inq.news/radyo
Follow: @dzIQ990
Like: https://www.facebook.com/radyoinquirer990
https://www.facebook.com/video.uploader.2016
Youtube Channel: Inquirer 990 Television
Textline: DZIQ(SPACE) MESSAGE SEND to 4467 or SEND to 09208379790
Hotline: 519-1875 to 76

 

 

 

 

TAGS: fire incident, Las Piñas City, metro news, Pasay City, Radyo Inquirer, fire incident, Las Piñas City, metro news, Pasay City, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.