Aguirre at karamihan sa mga senador, suportado ang martial law extension

By Kabie Aenlle July 20, 2017 - 05:01 AM

Nagpahayag si Justice Sec. Vitaliano Aguirre ng kaniyang suporta sa pagpapalawig ng idineklarang martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.

Naniniwala rin kasi si Aguirre na hindi sapat ang 60 araw na kaakibat ng unang deklarasyon ni Duterte ng martial law para masupil nang tuluyan ang banta ng terorismo sa Mindanao.

Matapos naman ang security briefing ng mga security officials ng bansa sa Senado kahapon, sa tingin ni Sen. Joel Villanueva ay karamihan sa kanilang mga kasamahan ay sang-ayon sa martial law extension.

Gayunman, sinabi ni Villanueva na bagaman sang-ayon sila, pagde-debatehan pa kung gaano katagal ang magiging pagpapalawig ng batas militar.

Aniya, kakailanganin ng mas maiging pag-aaral ang magiging desisyon nila tungkol sa hanggang kailan ito paiiralin.

Samantala, may mga senador pa aniya na humingi pa ng mga karagdagang impormasyon mula sa mga security officials, na ipinangako namang dadalhin nila sa special joint session sa Sabado.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.