Kabilang na dito ang mabagal na pag-puno as ilang mga mahahalagang posisyon sa hudikatura, pagtatalaga ng isang opisyal ng Philippine Judicial Academy at pagbibigay ng travel allowances sa kaniyang staff.
Sa pinaikot niyang memorandum sa mga miyembro ng Korte Suprema, iginiit ni Associate Justice Teresita Leonardo-De Castro na dapat ay aprubado muna ng court en banc ang mga kautusan ni Sereno bago maipatupad, alinsunod sa mga patakaran.
Dagdag pa ni De Castro, mahalagang maresolbahan na ang napakatagal nang pagkakaantala ng pagpuno sa mahahalagang posisyon sa Korte.
Partikular niyang binanggit ang mga posisyon para sa SC deputy clerk of court at chief attorney na tatlong taon at walong buwan nang bakante.
Gayundin aniya ang dalawang posisyon para sa assistant court administrator na apat na taon at anim na buwan nang walang nakaupo.
Kinwestyon rin ng mahistrado ang pagbibigay ni Sereno ng foreign travel allowance sa kaniyang mga staff, nang hindi ito idinadaan sa en banc.
Aniya pa, sa pondo ng Supreme Court kinuha ang pera para sa travel allowances ng staff ni Sereno kaya dapat lang na aprubado muna ito ng en banc.
Bukod sa mga ito, pinasisilip rin ni De Castro sa mga kasamahan ang pagkakatalaga ni Atty. Brenda Jay Mendoza bilang pinuno ng Philippine Mediation Center sa ilalim ng Philja.
Lumalabag aniya kasi ito sa patakaran na dapat munang maaprubahan ng en banc ang kahit anong appointment.
Paliwanag pa niya, wala silang natanggap na anumang rekomendasyon mula sa Philja na si Mendoza ang italaga para sa naturang posisyon.