Kamara hindi na magpapatawag ng hiwalay na security briefing

By Erwin Aguilon July 20, 2017 - 04:04 AM

Inihayag ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas na wala na silang balak magpapatawag ng hiwalay security briefing bago ang special session sa Sabado.

Ayon kay Fariñas, gagawin na lamang nila ang security briefing habang nagsasagawa ng sesyon.

Paliwanag ng mambabatas, marami kasi sa mga kongresista ay wala sa Metro Manila at babalik para sa State of the Nation Address (SONA) sa Lunes.

Pahayag ito ni Fariñas kasunod ng isinasagawang security briefing ngayon sa Senado.

Bukod pa sa panawagan ng ilang kongresista na pagpaliwanagin ang mga defense at security officials bago talakayin ang martial law extension sa special session sa Sabado.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.