Pagtutol ng NPA sa martial law extension, tinuligsa ni Esperon

By Ruel Perez July 20, 2017 - 04:00 AM

Sinopla ni National Security Adviser Hermogenes Esperon ang matinding pagtutol ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin hanggang December 31 ang umiiral na martial law sa buong Mindanao.

Ayon kay Esperon, walang basehan ang pagkontra ng komunistang grupo sa martial law extension dahil wala namang naitalang pag-abuso o anumang reklamo laban sa mga sundalao habang umiiral ang batas militar sa Mindanao.

Taliwas dito, ani Esperon, ang gumagawa pa ng kasamaan sa mamamayang Pilipino ay ang CPP, partikular ang armadong grupo nito na NPA.

Tinukoy ni Esperon, ang panggugulo o pagatake ng NPA sa ibat ibang lugar tulad, ng pag-atake nila sa mga kasapi ng PSG o Presidential Security Group sa Cotabato, pagsunog sa mga construction equipment at extortion activities.

Kasama si Esperon nina Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff General Eduardo Año at Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagbigay ng briefing kanina sa mga senador kaugnay sa sitwasyon sa Mindanao partikular sa Marawi City na kinubkob ng Maute terror group.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.