US, nagpadala ng relief assistance sa mga sibilyang apektado ng krisis sa Marawi
Kinumpirma ng US Embassy sa pamamagitan ni Ambassador Sung Kim na nakikipag-ugnayan ang US sa gobyerno ng Pilipinas upang makapagbigay ng relief assistance sa mga sibilyang apektado ng krisis sa Marawi.
Ayon kay Kim, ang US Agency for International Development o USAID ay nakapagbigay na ng mahigit 12,000 containers ng tubig at 96,000 chlorine tablets sa mahigit 12,000 pamilya na kasalukuyang namamalagi sa mga evacuation centers sa Iligan City, Lanao del Norte at Lanao del Sur.
Ang mga chlorine tablets ay inilalagay sa tubig para luminis at maaring mainom.
Dagdag pa ni Kim, nakikipag-ugnayan din ang USAID sa Department of Health upang sugpuin ang pagkalat ng mga infectious diseases, lalo na ang Tuberculosis.
Nauna na rin silang naghatid ng mga anti-TB drugs at supplies sa mga evacuation centers.
Ayon sa embahada, may kasulukuyang mga proyekto ang US para tumulong sa paglinang sa kapayapaan at kabuhayan sa Mindanao partikular sa pagbibigay sa mga Mindawenyo ng access sa mga serbisyo sa edukasyon at kalusugan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.