Sa kabila nito, tiniyak naman na magpapatuloy pa rin ang klase at seribsyo sa unibersidad kahit sa kasagsagan ng strike.
Pawang mga miyembro ng SU Faculty Association ang mga makikiisa sa nasabing strike.
Hinimok naman ng pamunuan ng unbersidad ang samahan para igalang ang kanilang mga hakbang para tiyakin ang patuloy na pagbibigay ng “learning opportunities” sa kanilang mga mag-aaral.
May ilang mga isyu na hindi napagkakasunduan ang mga kinatawan ng pamunuan ng unibersidad at ng grupo ng mga guro.
Ayon kay Assistant Professor Jan Antoni Credo na pinuno ng SUFA, hinihiling nila sa administrasyon na alisin na ang 35-year cap o bilang ng taon kung hanggang kailan maaring magslibi ang isang guro bago mag-retiro.
Gayunman, sinabi ng pamunuan na hindi pa ito nade-desisyunan.
Bukod dito, kabilang rin sa mga isyu ay ang mga bonus, class sizes para sa kindergarten at Grade 1, subsidy para sa mga iskolar na anak ng mga guro at pagbibigay ng productivity enhancement incentive nang walang kundisyon.
Hindi rin tinanggap ng administrasyon ang panukala ng unyon na i-extend ang kanilang health plans sakaling walang mabuong CBA, ngunit iginiit ng pamunuan na nakadepende ito sa health maintenance organization.
Paliwanag naman ng administrasyon, ang kanilang alok sa unyon ay naka-base sa kung ano lang ang kaya ng unibersidad para mapanatili pa rin ang sustainability ng kanilang operasyon.