PCSO, nakatakdang bawasan ang financial support sa PNP

By Rhommel Balasbas July 20, 2017 - 03:51 AM

“Anemic.”

Ito ang paglalarawan ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO sa naging ‘performance’ ng Philippine National Police sa kampanya nito laban sa illegal gambling.

Dahil dito, babawasan ng PCSO ang natatanggap na financial support ng pambansang pulisya mula sa revenue ng ahensya kada buwan.

Base sa Memorandum of Agreement na nilagdaan ng PNP at PCSO noong nakaraang taon, napagkasunduang magbigay ang PCSO ng 2.5 percent ng buwanang revenue nito sa PNP kapalit ng mahusay at aktibong kampanya laban sa illegal gambling sa buong bansa.

Ngunit ayon kay PCSO General Manager Alexander Balutan, babawasan nila ng 50 percent ang financial support na natatanggap ng PNP dahil sa ‘anemic’ na performance nito para sugpuin ang illegal gambling.

Nagkaroon man ng mga operasyon at pag-aresto, hindi raw ito sapat kahit nakatanggap na ang PNP ng 154 milyong piso mula sa PCSO.

Ayon pa kay Bulatan, nais din ng PCSO na bigyan ng bahagi ang AFP at NBI dahil sa mga matagumpay na counter-intelligence operations at pagkakahuli nito sa big-time illegal number games operators particular sa Luzon.

Sinabi naman ni PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos na hindi nagpabaya ang PNP sa pagsugpo sa illegal gambling kahit na abala rin ang pambasang pulisya sa giyera nito kontra droga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.