INC, nagsimula nang mag-vigil sa Davao City Hall of Justice

Davao INC
Inquirer Mindanao Photo

Nagsimula nang magtipun-tipon sa paligid ng Davao City Hall ang ilang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo para sa kanilang gagawing kilos-protesta ngayong umaga sa harapan ng City Hall of Justrice.

Nauna nang sinabi INC spokesman Edwil Zabala na magiging aktibo sa mga pagkilos sa ibat ibang mga lugar sa bansa ang kanilang mga kasapi para pwersahing bumaba sa pwesto si Justice Sec. Leila De Lima.

Sa kanilang mga pahayag, sinabi ng ilang INC members sa Davao City Hall na aabot sa 200,000 inaasahang dadalo sa gaganaping rally.

Magmumula ang nasabing mga kasapi ng INC sa ibat ibang mga lokal sa kabuuan ng Mindanao Region.

Sa kanyang panig sinabi ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na papayagan niya ang INC rally sa lungsod basta’t matitiyak ng mga ito na hindi sila pagmumulan ng anumang uri ng kaguluhan.

Sinabi rin ni Duterte na dapat ay walang pilitan sa gagawing kilos-protesta at hayaang maging maluwag ang daloy ng trapiko sa kapaligiran ng Davao City.

Read more...