Nanawagan ang Commision on Human Rights kay Pangulong Duterte na mas maging maingat at ‘considerate’ ito sa pagbibigay ng mga pahayag.
Ito ay matapos muling bumanat ng “rape joke” ang Pangulo sa harap ng Filipino diplomats sa Davao City noong nakaraang Biyernes, July 14.
Ayon sa CHR, ang mga naturang jokes ay maaring maging sanhi upang magpatuloy ang diskriminasyon at ‘inequality’ lalo na sa mga kababaihan.
Dagdag pa ng komisyon, ang naturang mga pahayag na nanghihikayat sa pang-aabuso sa mga kababaihan ay hindi katanggap-tanggap lalo na at nagmula ito sa pinakamakapangyarihang tao sa bansa.
Ipinagsawalang bahala naman ng palasyo ang mga kritisismong natatangap at sinabing nakuha naman ng masa kung ano ang tunay na kahulugan ng pahayag ng pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.