Labing dalawang miyembro ng delegasyon mula sa European Union ang bumisita kay Sen. Leila De Lima sa kanyang detention cell sa PNP Custodial Center sa Camp Crame hapon ng Miyerkules.
Ang naturang pagbisita ay bahagi ng apat na araw na “fact-sharing mission” ng EU sa Pilipinas upang tingnan ang kalagayan ng bansa sa aspetong pulitikal at karapatang pantao sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Kabilang sa mga dumalaw ay sina Rikker Karlsson ng Denmark, Adam Kosa ng Hungary, Soraya Post ng Sweden at Joseph Weidenholzer ng Austria.
Ang apat na ito na mga miyembro ng European Parliament’s Sub-Committee on Human Rights, ay sinamahan ng sub-committee secretariat at acting ambassador of the EU Delegation to the Philippines na si Mattias Lentz.
Kinumpirma din ng delegasyon na nakipagkita sila noong Martes kina Sen. Pres. Aquilino Pimentel at Sen. Risa Hontiveros.
Sa naturang pulong ipanaliwanag umano ng Pilipinas na hindi nito sinusuportahan ang mga pagpatay sa kasagsagan ng giyera kontra droga at iniimbestigahan ng mga otoridad ang mga insidenteng ito.
Samantala, sa isang handwritten note na ibinigay ni De Lima sa media, nagpahayag ito ng pasasalamat sa delegasyon ng EU sa pagbisita nito at pagtingin sa kaniyang kalagayan bilang isang “prisoner of conscience”.
Excerpt:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.