2 sundalo patay sa pananambang ng NPA sa Palawan

By Dona Dominguez-Cargullo July 19, 2017 - 12:46 PM

Patay ang dalawang tauhan ng Philippine Marines matapos tambangan ng pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Roxas, Palawan, Miyerkules (July 19) ng umaga.

Kinilala ni Senior Superintendent Gabriel Lopez, Palawan police director ang dalawang nasawing sundalo na sina Private First Class Joene Gagogas Galiste at Private James Melchor Porol.

Ayon kay Lopez, pauwi galing sa palengke ang dalawang sundalo nang mangyari ang pananambang.

Gumamit umano ng .9mm at .45 pistols ang mga suspek base sa nakuha nilang basyo ng bala sa crime scene.

Naganap ang insidente alas 7:30 ng umaga sa Purok Magsarungsong, Barangay Magara.

Matapos barilin ang dalawang sundalom, naglakad lang papalayo ang mga suspek.

 

TAGS: 2 soldiers killed in Roxas Palawan, new people's army, Roxas Palawan, 2 soldiers killed in Roxas Palawan, new people's army, Roxas Palawan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.