Pangulong Duterte nakipagpulong kay MNLF founding chairman Nur Misuari sa Malakanyang

File Photo | Presidential Photo – Rene Lumawag

Nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa government kay Moro National Liberation Front founding chairman Nur Misuari sa Malacañang, kasama ang peace implementing panels ng dalawang panig.

Ipinahayag ni Misuari ang suporta kay Duterte sa pagsulong ng pederalismo sa bansa, ayon kay Presidential Peace Adviser Jesus Dureza.

Naatasan ang peace panels ng gobyerno at ng MNLF na ipatupad ang 1996 Final Peace Agreement at 1976 Tripoli Agreement.

Pinangunahan ni Atty. Randolph Parcasio ang MNLF implementing panel na binubuo nina Dr. Alipikre Basher, Atty. Ombra Jainal, Atty. Yasser Lumbos, at ang Bangsamoro Humanitarian Inc.

Samantala, sa pangunguna ni Nabil Tan sa government implementing panel, dumalo rin sina Diosita Andot, Habib Hashim, Ma. Cecilia Papa, Gerry Salapuddin at Atty. Jose Lorena.

Nasa pagpupulong din ang iba pang lider ng MNLF, partikular sina Vice Chiarman Abdulkarim Misuari at Secretary General Murshi Ibrahim.

Ayon kay Dureza, bagaman ito ang unang pagkakataon na nakipagpulong si Duterte sa dalawang panig, ilang beses nang nagkita ang peace implementing panels ng MNLF at Misuari.

Matatandaang noong November 2016, nagpulong na rin sina Duterte at Misuari sa Malacañang matapos suspindehin ang arrest warrant laban sa MNLF leader kaugnay ng 2013 Zamboanga Siege.

 

Read more...