Magkabilang panig ng Osmeña Highway kasama ang service road, nadaraanan na ng mga motorista

By Dona Dominguez-Cargullo July 19, 2017 - 11:00 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Bukas na maging ang service road ng Osmeña Highway matapos ang pagguho ng beam kahapon sa ginagawang Skyway project 3.

Ayon sa MMDA, nadaraanan na ang magkabilang lane ng Osmeña Highway maging ang service road nito.

Bagaman patuloy pa rin ang pagsisikap ng mga trabahador na maalis lahat ng steel bars na bumagsak.

Dahil sa laki at haba ng mga bakal, kinailangang putulin ang mga ito bago maisakay sa truck.

Ayon sa DM Consunji Inc., iniimbesitgahan na ng kanilang safety and technical personnel ang pangyayari.

Humingi rin ng paumanhin sa mga motorista ang kumpanya dahil sa matinding perwisyong naidulot ng insidente.

 

 

 

 

 

 

TAGS: beam, DM Consunji, Radyo Inquirer, skyway prject 3, beam, DM Consunji, Radyo Inquirer, skyway prject 3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.