PSG convoy sa Cotabato, tinambangan ng NPA, pito ang sugatan
(UPDATE) Tinambangan ng mga pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang two-vehicle convoy ng Presidential Security Group (PSG) sa Arakan, North Cotabato.
Ayon kay Brig. Gen. Gilbert Gapay, deputy commander ng Eastern Mindanao Command ng AFP, wala namang nasawi sa panig ng PSG.
Gayunman, pitong PSG members ang nasugatan.
Inaalam pa rin kung ilan ang eksaktong bilang ng PSG na sakay ng convoy.
Naganap ang pananambang alas 6:05 ng umaga sa Barangay Gambudes, Katipunan sa bayan ng Aracan.
Nasa 100 miyembro umano ng NPA ang nasa likod ng pananambang.
Ayon kay Gapay, ang nasabing PSG members ay naroon para sa ‘preposition’ pero hindi matukoy ng opisyal kung darating ba doon si Pangulong Rodrigo Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.