31 katao arestado sa one-time big-time operation sa Caloocan

By Jong Manlapaz July 19, 2017 - 08:36 AM

Kuha ni Jong Manlapaz

Inaresto ang aabot sa 31 katao sa isinagawang one-time big-time operation sa Caloocan City.

Sinuyod ng Caloocan police ang apat na barangay sa lungsod at saka pinagdadampot ang 31 katao dahil sa iba’t ibang paglabag.

Sa nasabing bilang, 11 ay nahulihan ng ipinagbabawal na gamot at pito sa kanila ay naaktuhan pa na nagpa-pot session.

Ang pitong nahuli sa akto ay kinilalang sina Jobeth Erlandez, 22 anyos; Geneson Dy, 26 anyos; Rachel Ballesca, 20 anyos; Jose Ballesca, 54 anyos; Rosalie Bolaer, 42 anyos; Joselito Legarda, 44 anyos; at Romeo Allanigue, 45 anyos.

Ayon sa Caloocan police, ang mag-amang sina Jose at Rachel Ballesca ay nasa drug watchlist ng barangay.

Habang ang apat naman na nahulihan ng droga ay sina Raymart Charita, 26 anyos; Bernard Maynes, 44 anyos; Larry Llaguno, 43 anyos; at Jackey Macdonald, 28 anyos.

Mayroon namang 20 naman na lumabag sa City Ordinance gaya ng pag-inom ng alak sa kalye.

Ayon kay police Chief Insp. Avelino Protacio II, hepe ng Caloocan City Police Community Precinct 1, isinagawa ang operasyon dahil sa natatanggap nilang mga reklamo na naglipana pa rin ang adik sa apat na barangay.

Kabilang sa nadakip ang mag-ama na kapwa nasa drug watchlist na sina Jose Ballesca at anak niyang babae na si Rachel.

Nakatakda silang sampahan ng kasong pagkabag sa dangerous drugs act of 2002.

Samantala ang ibang naaresto ay tutuluyan ding kasuhan ng paglabagh sa City Ordinance.

Para sa iba pang mga balita:
Listen: 990khzAM
Watch: Inquirer990TV on blackbox, other digiboxes & mobile TV
Visit: radyo.inquirer.net
Download: Radyo Inquirer Mobile App here https://inq.news/radyo
Follow: @dzIQ990 on Twitter
Like: https://www.facebook.com/radyoinquirer990 on FB

TAGS: caloocan city, drug buy bust, drug war, metro news, Radyo Inquirer, caloocan city, drug buy bust, drug war, metro news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.