20 barangay sa Montalban, San Mateo at Marikina, 10 oras mawawalan ng suplay ng tubig
Sampung oras na mawawalan ng suplay ng tubig ang maraming barangay sa Rodriguez (Montalban) at San Mateo sa lalawigan ng Rizal at sa Marikina City.
Sa abiso ng Manila Water, kailangan nilang magsagawa ng emergency leak repair sa bahagi ng Becco Creek sa Barangay Burgos sa bayan ng Rodriguez.
Magsisimula ang water interruption alas 8:00 ng gabi ng Miyerkules, July 19 hanggang alas 6:00 ng umaga ng Huwebes, July 20.
Kabilang sa maaapektuhan ang sumusunod na barangay sa Rodriguez Rizal:
Burgos
Manggahan
Geronimo
San Rafael
Balite
Rosario
at San Isidro
Sa San Mateo Rizal apektado naman ang mga barangay:
Banaba
Ampid 1
Ampid 2
Sta. Ana
Guitnang Bayan 1
Guitnang Bayan 2
Maly
Dulong Bayan 1
Dulong Bayan 2
Malanday
at Guinayang
Habang sa Marikina ay apektado ang barangay Parang.
Pinapayuhan ng Manila Water ang mga residente sa nabanggit na mga barangay na mag-ipon na ng tubig ngayong maghapon.
Naghanda na rin ng tankers sakaling kailanganin na magsuplay ng tubig sa mga apektadong lugar.
Para sa iba pang mga balita:
Listen: 990khzAM
Watch: Inquirer990TV on blackbox, other digiboxes & mobile TV
Visit: radyo.inquirer.net
Download: Radyo Inquirer Mobile App here https://inq.news/radyo
Follow: @dzIQ990 on Twitter
Like: https://www.facebook.com/radyoinquirer990 on FB
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.