Ilang bus terminal sa EDSA, sisilbihan ng closure order
Sisilbihan ng closure order ngayong araw ng Miyerkules, ang ilang bus terminal sa kahabaan ng EDSA.
Ang operasyon ay isasagawa ng pinagsanib na pwersa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Quezon City government.
Ayon sa MMDA, ang mga bus terminal ay lumabag sa ‘nose in, nose out’ policy at nag-ooperate ng walang permit.
Kabilang dito ang DLTB, Lucena Lines, Raymond, St. Rafael, Our Lady of Salvacion, Jam Liner, Victory Liner, Dimple Star, Superlines at ang Roro Bus Line.
Inirekomenda ng MMDA na ipatigil ang operasyon ng nasabing mga bus terminal sa EDSA.
Ayon sa MMDA, bagaman wala silang kapangyarihan na magpasara ng terminals, maisasakatuparan ang parusa sa mga ito sa pamamagitan ng LTFRB at QC government.
Ang mga terminal umano ay walang sapat na espasyo para ang kanilang mga bus ay makapagpaliko sa loob ng terminal.
Sinabi ng MMDA na hindi dapat sa EDSA nagpapaliko ang mga bus dahil nakapagdudulot ito ng traffic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.