Lacson, ayaw sa Mamasapano reinvestigation

By Ruel Perez July 19, 2017 - 04:21 AM

Tutol si Senador Panfilo Lacson sa nais ni Senador Richard Gordon na muling buksan sa ikatlong pagkakataon ang imbestigasyon sa Mamasapano incident kung saan 44 na miyembro ng PNP-SAF ang nasawi.

Iginiit ni Lacson kung ang nakaraang dalawang pagdinig noong 16th Congress sa pamumuno ni Senador Grace Poe bilang chair ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs ay walang na achieve ano pa kaya ang ikatlong pagdinig na hinahangad ni Gordon.

Paliwanag pa ni Lacson, naisampa na ng Ombudsman ang kaso laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino sa Sandiganbayan kung kayat mas makakabuti aniya na ipaubaya na lamang ito sa korte.

Matatandaan na lumabas sa pagdinig sa Senado na kinausap at hinayaan ni Pangulong Aquino kahit na suspendido si dating PNP Chief Alan Purisima na manguna sa operasyon ng SAF Troopers sa Mamasapano Maguindanao.

Lumalabas din na hindi ipinaalam nila Aquino at Purisima sa dating OIC PNP Chief at dating AFP Chief ang naturang operasyon na nauwi sa pagkakasawi sa hanay ng tropa ng gobyerno laban sa grupo ng MILF at private army.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.