Ito ang panawagan ng mga mambabatas mula sa Makabayan bloc sa kanilang mga kasamahang Kongresista kaugnay ng apela ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ang martial law sa Mindanao.
Ayon sa mga mambabatas ng Makabayan bloc, hindi dapat basta na lang aprubahan ng mga kapwa nila mambabatas ang nais ng pangulo na paabutin hanggang December 31 ang martial law.
Ayon kay Rep. Antonio Tinio, mas maiging isuko na lang ng Kongreso ang mandato nito na maging bantay sa paggamit ng martial law, kung hindi nito bibigyan ng sapat na deliberasyon ang panukalang pagpapalawig nito.
Nanawagan naman si Bayan Muna Rep. Carlos Zarate na huwag madaliin ang pagpapalawig sa martial law dahil lang sa ito ang kahilingan ni Pangulong Duterte.
Mas maigi aniya na pag-aralan muna ito nang mabuti at idaan sa debate.