Bilin ng Pangulo, ipatupad ang rule of law sa INC rally

By Den Macaranas August 31, 2015 - 06:50 AM

Malacanang INC
Malacanang photo

Nananatili ang suporta ni Pangulong Noynoy Aquino kay Justice sec. Leila De Lima sa gitna ng mga pagkilos ng mga kasapi ng Iglesia ni Cristo laban sa naturang kalihim.

Inabot ng madaling araw ang pakikipag-pulong kanina ng Pangulo sa ilang piling Cabinet members sa official residence ng pangulo sa Bahay-Pangarap.

Present sa naturang meeting sina Justice Sec. Leila De Lima, DILG Sec. Mar Roxas, Defense Sec. Voltaire Gazmin, Budget Sec. Butch Abad, DSWD Sec. Dinky Soliman, Preisdential spokesman Edwin Lacierda, Presidential Communications Office Sec. Sonny Coloma Jr., Usec. Manolo Quezon at ilang opisyal ng Philippine National Police.

Sa kanyang Twitter account sinabi ni Quezon na pinangunahan ng pangulo ang pagtalakay sa “recent developments” hingil sa pagmomonitor sa mga kaganapan sa EDSA.

Sinabi naman ng isang Malacanang source na mahigpit ang naging tagubilin ng pangulo na pairalin ang rule of law sa gitna ng mga pagkilos laban kay Sec. De Lima.

Nauna dito ay nakiusap sa mga kasapi ng INC si DILG Sec, Roxas na panatilihing bukas sa daloy ng trapiko ang kahabaan ng EDSA para hindi maabala ang mga motoristang hindi naman sasama sa rally ng INC.

Ang Malacanang ay naglabas din ng pahayag na kanilang ipatutupad ang mga alituntunin ng batas kasabay ang pagsasabing handa silang makipag-dayalogo sa mga pinuno ng naturang relihiyon.

TAGS: edsa, inc rally, Malacañang, PNoy, edsa, inc rally, Malacañang, PNoy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.