Sa pamamagitan ng Tom Lantos Human Rights Commission, ilulunsad ang pampublikong pagdinig sa araw ng Huwebes, July 20 sa ganap na alas 8:30 ng umaga, oras sa Amerika.
Inaasahang sasalang sa pagidinig at magbibigay ng kani-kanilang mga testimonya ang mga lider ng iba’t ibang human rights groups sa pangunguna ng iDefend, Amnesty International at Human Rights Watch
Pangungunahan ni Ellecer Carlos, tagapagsalita ng grupong iDefend o I Defend Human Rights and Dignity Movement ang paglalatag ng mga testimonya ukol sa mga nagaganap na patayan sa Pilipinas na may kinalaman umano sa droga.
Ngayong araw, makikipag-ugnayan ang mga miyembro ng Filipino-American Human Rights Alliance (FAHRA) kay San Francisco and San Mateo County Rep. Jackie Speier upang talakayin ang pagsusulong ng complementary Senate Bills na co-authored nina US Senators Cardin at Marco Rubio.
Ang dalawang mambabatas ang nagpanukala ng S-1055 o ang Philippine Human Rights Accountability and Counter-Narcotics Act of 2017; at ang S-659- o Impose Sanctions With Respect to People’s Republic of China’s Activities in South China Sea and East China Sea Act.