US Congress, maglulunsad ng public hearing sa extrajudicial killings sa Pilipinas
Nakatakda nang magsagawa ng public hearing ang US Congress sa mga nagaganap na extrajudicial killings sa Pilipinas.
Sa pamamagitan ng Tom Lantos Human Rights Commission, ilulunsad ang pampublikong pagdinig sa araw ng Huwebes, July 20 sa ganap na alas 8:30 ng umaga, oras sa Amerika.
Inaasahang sasalang sa pagidinig at magbibigay ng kani-kanilang mga testimonya ang mga lider ng iba’t ibang human rights groups sa pangunguna ng iDefend, Amnesty International at Human Rights Watch
Pangungunahan ni Ellecer Carlos, tagapagsalita ng grupong iDefend o I Defend Human Rights and Dignity Movement ang paglalatag ng mga testimonya ukol sa mga nagaganap na patayan sa Pilipinas na may kinalaman umano sa droga.
Ngayong araw, makikipag-ugnayan ang mga miyembro ng Filipino-American Human Rights Alliance (FAHRA) kay San Francisco and San Mateo County Rep. Jackie Speier upang talakayin ang pagsusulong ng complementary Senate Bills na co-authored nina US Senators Cardin at Marco Rubio.
Ang dalawang mambabatas ang nagpanukala ng S-1055 o ang Philippine Human Rights Accountability and Counter-Narcotics Act of 2017; at ang S-659- o Impose Sanctions With Respect to People’s Republic of China’s Activities in South China Sea and East China Sea Act.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.