Matinding pag-ulan, nagdulot ng malawakang pagbaha sa Istanbul, Turkey
Walang nagawa ang mga commuter galing at papuntang trabaho kundi kunan ng mga video at larawan ang paglubog ng mga kalye, mga underpass maging ang mga subway lines sa Istanbul.
Nagmistulang mga ilog ang mga daan dahil sa sobrang lakas na pag-ulan na nagresulta upang mastranded ang ilang mga sasakyan.
Naipakita sa pamamagitan ng Twitter ang mga video at larawan ng pagbaha na nai-share ng mahigit 120,000 beses gamit ang hashtag na “#yagmur” na nangangahulugang ulan.
Agad na pinalikas ang mga taong nasa loob ng sasakyan at kinailangang gumamit ng mga rubber boats upang marescue ang mga commuter na nasa binahang mga underpass.
Inabisuhan ng pamahalaan ang mga residente na huwag iwan ang kanilang mga bahay kung hindi kinakailangan.
Ayon sa tagapagsalita ng Turkish Forestry and Water Affairs Ministry, katumbas ng isang taong ulan ang bumuhos sa loob lamang ng labing dalawang oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.