Modelo, inaresto dahil sa pagsusuot ng mini-skirt sa Saudi Arabia
Isang babaeng Saudi national ang inaresto ng Saudi Arabian police matapos itong mag-post ng video sa internet na nakasuot ng mini-skirt habang nasa pampublikong lugar.
Sa naturang video na ipi-nost ng babaeng modelo sa Snapchat, makikita ito na nakasuot ng itim na ‘crop top’ na pang-itaas at mini-skirt habang namamasyal sa makasaysayang Fort Ushayqir sa northern Riyadh.
Nang lumabas sa social media ang naturang video, umani ito ng batikos mula sa mga taga-Saudi Arabia na nanawagan na hanapin at arestuhin ang babae ng mga otoridad.
Kasalukuyan namang inihahanda ang kaso laban sa babaeng modelo.
Ang pagsusuot ng maiigsing uri ng kasuotan tulad ng miniskirt ay itinuturing na labag sa batas sa Saudi Arabia dahil sa paglabag nito sa Islamic dress code.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.