LTFRB patuloy na inuulan ng batikos mula sa mga mananakay ng Grab at Uber
Hindi pa rin tinitigilan ng mga netizens sa pagbatikos sa social media ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB dahil sa banta nitong panghuhuli ng mga colorum na sasakyan ng mga Transport Network Companies tulad ng Uber at Grab.
Ayon sa LTFRB, pagsapit ng July 26, manghuhuli na sila ng mga sasakyan ng Uber at Grab na walang kaukulang prangkisa para makapagsakay ng mga pasahero.
Maraming mga ‘meme’, biro at pang-aasar ang ipinapaskil ng mga galit na netizens sa nais na mangyari ng LTFRB.
Giit pa ng mga ito, mas maayos ang serbisyo ng mga TNV kung ikukumpara sa serbisyo ng mga taxi na kalimitan ay nangongontrata at namimili pa ng mga pasahero.
Maging ang ilang mga artista ay nagpahayag rin ng kanilang saloobin sa usapin at hinihiling na suportahan ang mga transport network vehicle service.
Kinukuwestyon naman ni Senador Grace Poe ang tila mabagal na pagproseso ng LTFRB sa mga dokumentong kinakailangan ng mga operators ng ride-hailing companies.
Hiling naman ni Senador Edgardo Angara na agad na maayos ang gusot sa pagitan ng LTFRB at mga TNC upang hindi maapektuhan ang publiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.