Hirit na martial law extension, tanggap ng alkalde ng Marawi
Iginagalang ni Marawi City Mayor Majul Usman Gandamra ang hirit ni pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ang martial law sa Mindanao region hanggang sa katapusan ng 2017.
Ayon kay Gandamra, kung ang batas na militar ang nakikitang solusyon ng pangulo na wakasan ang rebelyon sa Marawi City ay hindi na niya ito sasalungatin pa.
Pero ayon kay Gandamra, dapat may kaakibat na solusyon ang pangulo para matugunan ang pangangailangan ng mga apektadong residente sa Marawi City.
Pakiusap pa ni Gandamra sa pangulo, bawiin na ang batas ng military sa oras na matuldukan na ang rebelyon.
Kung maari aniya matapos na ang gyera sa Marawi ay makausad na ang rehabilitasyon.
Positibo si Gandamra na oras na matapos na ang krisis sa Marawi babalik ang dating sigla ng siyudad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.