Ayon kay Ejercito, naglalayon ito na malutas sa mapayapang paraan ang ikinakasang service ban sa mga transport network companies o TNCs sa bansa.
Paliwanag ng senador, nais niyang magkaroon ng kompromiso sa magkabilang kampo at gayundin masolusyonan ang mga pagkukulang sa public transportation para sa lalong ikagaganda ng serbisyo at seguridad ng mga commuters.
Paliwanag ng senador, dapat aniyang maunawaan ng LTFRB kung bakit pumapatok ang mga TNCs bunga na rin ng mas maayos na serbisyong hatid nito sa pasahero.
Iginiit naman ni Ejercito na wala siyang kinakampihan at kailangan lang aniyang ikunsidera ang lahat ng paraan para lutasin ang problema nang hindi binabalewala kung ano ang nakasaad sa batas.
Planong isagawa ng mambabatas ang naturang pagpupulong bago ang Hulyo 26.